
12TH PROVINCIAL HEALTH SUMMIT & LGU SCORECARD AWARING AND RECOGNITION
Sa naganap na 12th Provincial Health Summit and LGU Scorecard Awarding and Recognition, magkakasama ang ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, SB Committee on Health Ester Carpo, Municipal Health Officer Dr. Gillen Vuelta, Dr. Mark Jay Garibay, PHN Mam Grace Chiong, BNS Christopher Quintos at PB Pablo Cacho na tumanggap ng iba’t ibang awards para sa karangalan ng ating minamahal na bayan ng Anda.
Narito po Ang mga awards na tinanggap ng ating minamahal na LGU-ANDA
1st Place, Best Performing LGU in Epidemiology and Surveilance Program
3rd Place, Best Performing LGU in Rabies Control Program
Special Award for Achieving National Target in Health Indicator for Fully Immunized Child
Finalist, Search for Green Banner Seal of Compliance
Finalist, Most Outstandinf Municipal Nutrition Officer of Pangasinan( GRACE F. CHIONG)
Finalist, Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar( Christopher C. Quintos)
Tayo po ay lubos na pinagpala sa mga natatanggapng ating bayan na mga parangal lalo na sa larangan ng kalusugan na isa sa mga programa ng ating kasalukuyang administrasyon na tinututukan at pinapahalagahan.
Nakapag-uwi po tayo ng mga parangal dahil sa pinagsama-samang trabaho ng mga empleyado ng ating Lokal na Pamahalaan at sa mabuting pamamahala at pakikipagtulungan ng ating mga elected officials at lahat ng opisina ng ating munisipalidad.
Ang parangal na ito ay para sa lahat ng Kababalyan natin dito sa Anda na patuloy na nakikipagkaisa sa lahat ng programa ng ating pamahalaan.
Mabuhay po ang lahat ng ating mga health workers mula sa barangay hanggang sa ating Rural Health Unit, ang inyong dedikasyon para sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ay amin pong sinasaluduhan.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa idap tan inum-ay