160th Medical and Dental Mission handog ng FEEDMIX

Narito po ang serye ng mga aktibidad ng ating Butihing Mayor Joganie Rarang

Nov. 25, 2019 lumuwas po ang ating Mayor sa Manila pag katapos po nyang mag trabaho noong araw po ng Lunes sa kanyang opisina.

Araw po ng Martes (Nov. 26) ay nakipag meeting po si Mayor Jogz sa asawa ng ating Secretary sa DSWD, Sec. Bautista, nakapagbigay po sila ng gamot para po sa ating mga Kababalyan (5boxes of Brainew PS Food Supplement) isa po itong tulong na para po sa ating mga Kababalyan.

Pagkatapos po ng meeting ay dumiretso po sa Senado ang ating Mayor para po mag follow up sa mga naisubmit na request letter gaya po kay Sen. Pacquiao, at sa iba pa pong mga senador.

Alas singko y medya ng madaling araw ng November 27, na kauwi po ng Bayan ng Anda ang ating Mayor, at 7am po nasa aray ayan na po ang ating Mayor para sumali sa clean up drive ng CENRO ALAMINOS, 100 ISLANDS SCUBA Divers, PNP Alaminos, kasama ng ating PNP ANDA, BFP ANDA, BARANGAY COUNCILS OF DIFFERENT BARANGAY, MUNICIPAL EMPLOYEES, pangarap po ng ating Mayor na sana magkaroon po tayo ng mga diving spots dito po sa ating Bayan, at lalong Lalo na po ang magkaroon po tayo ng malinis na karagatan.

10am nasa Carot na po ang ating Mayor para po dumalo sa 160th Medical and Dental Mission handog ng FEEDMIX para sa ating mga Kababalyan.

Ganyan po kasigasig ang ating Ama ng Bayan ng Anda, basta para po sa Bayan lahat po ay Kakayanin nya. Sana po ay patuloy po nating suportahan ang ating Mayor sa lahat po ng mga proyekto nya na ikaaangat ng ating pamumuhay dito po sa ating Bayan.

Mabuhay po kayo Mayor Joganie Rarang ❤️

ADDRESS

Municipality of Anda
Province of Pangasinan
2405

0946 112 8389

have Questions?

Copyright © 2019. Municipality of Anda, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!