Skip to main content

18 na ambulansya para sa 18 barangay ng Anda


Isang pangarap para sa taga Anda ang naisakatuparan dahil sa pinagsama-samang trabaho ng executive at legislative, mga barangay, at lalo’t gihit, sa bawat taxpayers.

18 na ambulansya para sa 18 barangay ng Anda, magbibigay serbisyo para sa bawat Andanian, umaarangkadang pagmamahal ang isinulong ng ating Butihing Mayor Joganie Batangislajogz Rarang kasangga ang bawat Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Artemio Carolino Jr. at ang walong konsehal, Hon. Erwin Catabay, Hon. Ester Carpo, Hon.Lilybeth Kiongson, Hon. Christian Cacho, Hon. Marvin Charles Caranay, Hon. Ruel Quilla, Hon. Lorenzo Cabalquinto, Hon. Jocelle Celeste, SK FP Hon. Ronald Avelino Jr., at ang Liga President Hon. Leopoldo Carolino Jr, kasama ang kanyang kapwa Punong Barangay.

Sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo publiko, ang administrasyong Rarang ay lalong pinaghuhusayan ang pamamalakad sa ating bayan upang ang bawat mamamayan ng Anda ay maramdaman ang pagbabago at pagmamalasakit na inilaan para sa ating lahat.

Higit pong pasasalamat ang nais ipabatid ng ating Mayor Jogz sa bawat taxpayers, dahil kung hindi po sa inyong mga kontribusyon, hindi po maisasakatuparan ang programang ito.

Espesyal na pasasalamat sa bawat indibidwal na tumulong para maging matagumpay ang pagbabasbas at pagtuturn-over ng Barangay Ambulance sa ating mga Kababalyan:

All Department heads of LGU-ANDA
All Punong Barangays
Mam Hope Ordoño
Pcapt. Xernan Padlan & PNP Personnels
SF02 Louis Gomez
Pastor Mamerto Caniedo
Pastor Alfe Caole
Anda Riders Club

Tuloy tuloy ang pagbabago, pagmamalasakit at serbisyong totoo. Walang imposible kung bawat isa ay makikipagtulungan at ang bawat isa ay mananalig sa ating Diyos Ama

#ArangkadaAnda
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”405″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan