
2019 National Anti-drug Abuse Council Performance Award
Panibagong karangalan ang nakamit ng ating Bayan ng Anda, nais po naming ipaalam na isa po ang ating bayan sa mga nakatanggap ng parangal para sa 2019 National Anti-drug Abuse Council Performance Award na may excellent 100 percent score sa buong Pilipinas.
Bago po ang nasabing araw ng parangal noong Dec. 16, 2019, ang atin pong Mayor, Joganie Rarang ay nang galing pa sa Singapore upang makasama ang ating mga Kababalyan na nagtatrabaho doon para po maging panauhing pandangal sa kanilang Christmas Program. Masasabi po natin na ito ang literal na walang tulog ang ating mahal na Mayor, ngunit para sa serbisyong pampubliko, sya po ay masayang nag punta dahil panibagong parangal po ang kanyang iuuwi sa ating bayan.
Kasama po sa tumanggap ng parangal ay ang ating Liga President, PB Leopoldo Carolino Jr. na isa din pong batang Isla galing po sa Barangay Siapar, napaka aktibo po ng ating mga lider mula sa Isla ng Siapar, tunay pong pinagpala tayo ng mga magagaling na lider na hinubog sa Isla.
Espesyal na pasasalamat para po sa ating MLGOO Mam Hope Ordono na syang tumulong po upang makamit natin ang karangalang ito, ganun na din po sa ating dating OIC MLGOO Mam Princess Eliza Caranay, Mam Cess Napakalaking po ng papel na inyong ginampanan sa ating bayan, lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pagpapagal, upang maparangalan ang ating bayan, proud na proud po kami sau Mam Cess♥️
Sa lahat po ng mga taong tumulong at sumuporta para po sa karangalang ito, maraming maraming salamat po