Skip to main content

Anda Commemorates National Heroes Day

Ang Bayan ng Anda ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani (National Heroes Day) ngayong ika-29 ng Agosto 2022. Alalahanin natin ang sakripisyo at buhay ng ating mga bayani at pati na rin ang patuloy na pakikipaglaban ng kababayan nating mga frontliners, OFWs, food producers, at mga uniformed personnel na itinuturing nating mga bagong bayani sa panahon ng pandemya. Gawin natin ehemplo ang mga bayani ng kasalukuyan at nakaraan upang makagawa ng mabuti sa ating kapwa, dahil tunay lamang na mabibigyang pugay ang mga bayani kung ipagpapatuloy natin ang kanilang mga magandang nasimulan.
Isang mensahe mula kay
Mayor Joganie “Batangislajogz” C. Rarang
Lingkod Bayan
 
Bilang pagpupugay at pagkilala sa kadakilaan ng ating mga bayani na nagbuwis ng kanilang mga buhay upang makamit natin ang ating kalayaan, pinangunahan ni Mayor Joganie Batangislajogz Rarang at Vice Mayor Erwin Catabay kasama ang ating mga kapulisan, bombero, at mga kawani ng gobyerno sa Lokal na Pamahalaan ng Anda ang pag-aalay ng bulaklak sa rebolto ng mga bayani sa ating bayan.
Sa mensahe ng ating mahal na Mayor Rarang, ipinaalala nya sa kapwa kawani ng gobyerno, bilang mga modernong bayani ng ating bayan, na ibigay ang siento porsiento ng serbisyong publiko para sa ating mga kababalyan.
#NationalHeroesDay
#ArawNgMgaBayani
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
#ANDAPangasinan
[ngg src=”galleries” ids=”624″ display=”basic_thumbnail”]
 
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan