Skip to main content

Anda LGU-Based Career Guidance Advocacy Program, Umarangkada!


Bilang suporta at paghahanda sa mapipiling karera o kurso ng mga Senior High School Grade 12 graduating students ng pitong pampublikong paaralan ng ating bayan, naisagawa ang “Arangkada sa Karera 2022” na Career Guidance Advocacy Program ng Anda LGU sa inisyatibo ni Mayor Joganie C. Rarang at sa pamamagitan ng Public Employment Services Office o PESO Anda sa pangunguna ng Labor Employment Officer, Ms. Danae F. Cervera.
Sa pangalawang pagkakataon, 271 ang bilang ng mga SHS students mula sa Anda Integrated School, Anda National High School, Cabungan National High School, Carot National High School, Macaleeng National High School, San Jose National High School at Tondol National High School ang nagpakita ng pagpapahalaga sa nasabing programa. At nais ipaabot ng mga kaguruan ang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Anda sa pagsisikap na makibahagi sa paghubog ng kinabukasan ng mga magaaral.
Ang PESO Anda ay taos-pusong nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa CGAP. 💙
#ArangkadasaKarera2022
#ArangkadaAnda
#PESOAnda

Watch the Vide Here: https://fb.watch/dyz-OuRP1m/

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan