Skip to main content

ANDA RECEIVES GAWAD KALASAG AWARD FOR LDRRMC/O

Ngayon araw na ito, ika-15 ng Disyembre 2022 ginanap ang Gawad KALASAG National Awarding Ceremony sa Hotel Ariana, Bauang La Union na kung saan mapalad na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Anda, Pangasinan sa pamumuno ng ating mahal at napakasipag na Ama ng Bayan Hon. Joganie Batangislajogz Rarang kasama ang ating LDRRM Officer III Engr. Leoneil C. Caalim ang GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE – BEYOND COMPLIANT.
Ang ating bayan ay isa sa anim na mapalad na nakatamo ng BEYOND COMPLIANT sa buong Region 1 na may markang 2.96/3.00, dahil ito sa pagtutulungan at pagkakaisa ng ating Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, SB Members headed by Vice Mayor Erwin Catabay, MDRRMC Members at lahat ng MDRRMO Personnel sa pangangasiwa ni LDRRM Officer III Engr. Leoneil C. Caalim.
Ito ay patunay na isa sa prioridad ng pamahalaan ng ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ay ang kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayan ng ating Bayan.
Itong pagkilala at karangalan na ito ay para sa ating mga Kababalyan na nagsisilbing inspirasyon namin sa pagkakaroon ng mahusay at maaasahan na serbisyo publiko.
Ang Anda ay patuloy na AARANGKADA!
Maraming salamat sa lahat and God bless us all.
#ArangkadaAnda
#Batangisla
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan