
Ang Bayan ng Anda ay nakikiisa sa paggunita ng Mother’s Day
Ang Bayan ng Anda ay nakikiisa sa paggunita ng Mother’s Day, o Araw ng mga Ina, Nanay, Inang, Mama, Mommy, Ermats, etc. Ang natatanging araw na ito ay para sa ating magigiting na ina na ginagampanam ang napakaraming responsibilidad mula sa ating pagkasilang hanggang sa ating pagtanda: isang bayani, guro, personal chef, cheerleader, housekeeper, law enforcer, nurse, magician, travel agent, stylist, storyteller, personal shopper, mediator, accountant, confidant, protector, loan officer, custodian, secretary, photographer, journalist, adviser, therapist, at best friend. Sila ang ating ilaw ng tahanan: ang ilaw ng pagmamahal, gabay sa landas natin sa paglaki, at tagapagtama ng ating mga kamalian. Bawat tao ay aminadong kinakailangan ng napakaraming pasensya sa pagpapalaki ng mga anak. Kaya naman saludo kami sa lahat ng mga kananayan!
Wag kakalimutan, sila lagi ang tama. Happy Mother’s Day!
Pagbati mula kay
Mayor Joganie Batangislajogz Rarang
Lingkod Bayan
#ANDAPangasinan
#ArangkadaANDA
#MothersDay