Skip to main content

Ang buong grupo ni Engr. Gloria Manilit ng DPWH Central Office ay muling nagtungo sa opisina ng ating mahal na Mayor


Ang buong grupo ni Engr. Gloria Manilit ng DPWH Central Office ay muling nagtungo sa opisina ng ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang kasama sina Liga President Leopoldo Carolino Jr., SBM Ruel Quilla at SBM Marvin Charles Caranay upang ikasa ang gagawing feasibility study para sa hiniling na tulay ng ating punong Bayan sa mataas na ahensya ng gobyerno. Bukas po, araw ng Hwebes ay magkakaroon ng pag aaral at pag iinterview sa mga motorista na magdaraan sa tulay ng Anda at mga motorista mula sa Bolinao na daraan sa Tara. Bibilangin po nila ang bulto ng mga daraang motorista upang maitala ang mga datos na syang gagamitin sa pag aaral para makapag pagawa ng tulay sa Barangay Toritori hanggang sa Barangay Mona ng Lungsod ng Alaminos. Ito po ay magbebeninipisyo sa lahat ng mga taga Anda at iba pang karatig bayan upang mas mapadali ang transportasyon patungo sa lungsod.
Sa mga babyahe po ng Alaminos o karatig bayan, makiisa po tayo sa isasagawang survey at interview dahil malaking tulong po ang mga makukuha po nilang datos, mas Maraming daraan, mas mabuti at mas mainam po ito.
Mahalaga pong maraming maitalang motorista ang magdaraan upang ito ang maging basehan sa pagpupursige upang ang minimithi nating isa pang tulay ay maisakatuparan.
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”370″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan