Ang Opisyal na logo ng ANDA ‘’BAYAN NG ANDA, LALAWIGAN NG PANGASINAN’

Isang mapagpalang araw ang mabisita at makakwentuhan ng ating butihing Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang ang napakabuting Bise Alkalde NG Syudad NG Alaminos, VM Anton Perez at kamag anak ng ating mayor, dala ang regalo nya Para sa ating Bayan, ang opisyal na logo ng ANDA ‘’BAYAN NG ANDA, LALAWIGAN NG PANGASINAN’’, na syang opisyal nating ginagamit sa lahat po ng tanggapan NG Lokal na Pamahalaan ng Anda. Ang atin pong logo ay maaring makita sa internet at ito din po ang opisyal na nakarehistro sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP). Sa simula ng administrasyon NG ating mahal na Mayor Joganie Rarang, ito po ang kanyang unang inalam upang maiayos ang ating logo, sapagkat naniniwala po sya na ito ang tatak na pagkakakilanlan ng ating bayan.

Maraming Salamat po Vice Mayor Anton Perez at sa buong Lokal na Pamahalaan ng Syudad NG Alaminos sa pagpaunlak ninyo sa request po ng aming Mayor, upang mahandugan po ang Bayan ng Anda ng opisyal na logo mula sa produkto ng kawayan. Ang industriya po ng E-kawayan sa Lungsod ng Alaminos ay naglalayon na Lumikha ng mga produktong gawa sa kawayan na maaring ipagmalaki sa buong Mundo.

7-30-2020

ADDRESS

Municipality of Anda
Province of Pangasinan
2405

0946 112 8389

have Questions?

Copyright © 2019. Municipality of Anda, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!