Skip to main content

ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL SPECIAL AWARD

Ngayong araw, pormal ng tinanggap ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ang ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL SPECIAL AWARD bilang pagkilala sa mga programang kontra droga dito sa Bayan ng Anda.
Kasama ang ating Chief of Police, Plt.Xernan Padlan at ang ating MLGOO Hope Ordoño, iginawad ang parangal kasama ang mga Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni PB Leopoldo Carolino Jr. at kaniyang mga kapwa punong Barangay.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Anda ay patuloy sa pagbibigay ng mga programang magpapanatili ng kaayusan at katahimikan dito sa ating bayan ,sa tulong at kooperasyon po nating lahat na mga Andanians, masusugpo at malalabanan po natin ang ilegal na droga.
Always say NO TO DRUGS
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan