Skip to main content

Aprubado Para sa Suporta sa Digitization ng DepEd

“No Batang Isla Learner will Be Left Behind”
Aprubado na ng Local School Board sa pangunguna ng ating butihing Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang at District Supervisor na si Dr. Edwin A. Ampler ang suporta sa Digitization ng DepEd. Mula sa printed modules hanggang sa mediated learning modules kung saan mapapanood ng mga magaaral ang kanilang lessons sa gadgets gaya ng tablets ay suportado ng Administrasyong Rarang. Sa pamamagitan ng Tablets, tiyak na mageenjoy ang mga mag-aaral sa kanilang pagaaral lalo pa’t mga guro ang kanilang mapapanood sa mga tampok na asignatura. Ang proyektong ito ay alinsunod din sa programa ng Department of Education ang #Digitalriseph at boung pwersang bahagi ito ng Arangkada sa Edukasyon ni Mayor Rarang.
Kaya mga mag aaral, alam na this! Aral ng mabuti at patuloy sa pag arangkada para sa iyong sarili at bayan ng Anda

[ngg src=”galleries” ids=”338″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan