Skip to main content

Araw ng mga Manggagawa


Ang Bayan ng Anda ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa o Labor Day ngayong ika-1 ng Mayo 2022. Ang pagsisikap ng bawat isang manggagawa na gampanan ang kanyang tungkulin para sa ika-uunlad ng ating pamayanan ay lubos nating ipinagmamalaki sa lahat ng dako ng mundo, may pandemya man o wala. Ang ginagampanan ng bawat manggagawa ay pareparehong mahalaga — doktor, magsasaka, mason, OFW, factory worker, pulis, garbage collector — lahat ay mahalaga sa pagkakaroon ng umaarangkadang ekonomiya at ligtas na komunidad. Nawa’y maging ehemplo ang mga manggagawa ng henerasyong ito sa mga susunod na manggagawa ng ating bayan.
Pagbati mula kay
Mayor Joganie “Batangislajogz” C. Rarang
Lingkod Bayan
#ANDAPangasinan
#ArangkadaANDA
#LaborDay2022

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan