Skip to main content

Bagong School Building na ipinagagawa

Mapanghamon ang daan patungong Barangay ng Siapar sa Anda, Pangasinan.

Matapos ang higit anim na oras na biyahe, kinailangan din nating tumawid ng dagat upang marating ang Siapar Integrated School kung saan may bagong school building na ipinagagawa.

Kung noon ay nagsisiksikan ang mga estudyante sa mga hindi sementadong klasrum, ngayon ay malapit nang matapos ang kanilang bagong gusali na tutugon sa mga kulang na silid-aralan, bahagi ng layunin ng ating Last Miles School Development Program.

Ayon kina Education Facilities Chief Annabelle Pangan at Division Engineer Steve Manzano, inaasahang matatapos ang gusali sa darating na Enero, mas maaga sa target completion date na March 14, 2022.

Ang bagong gawang gusali at ang overhead water tank ay parehong solar-powered at tiyak na malaki ang maitutulong upang mas maging maginhawa ang pag-aaral ng mga bata sa Barangay ng Siapar.

#LastMileSchool
#DepEdTayo
#DepEdPhilippines

[ngg src=”galleries” ids=”411″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan