Skip to main content

Cash Gift mula sa ating Pangulong Duterte

Naihatid na po ng ating Municipal Treasurer Mrs. Regina Casulla kasama ang ating butihing Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang ang cash gift mula sa ating Pangulong Duterte para po sa mga Barangay Officials ng ating Bayan ngayong bisperas ng Kapaskuhan. Nais pong maipaabot ng ating Mayor ang mga cash gift kaya’t kahit holiday, umikot po sila upang maibigay ito sa ating mga opisyales.Maraming Salamat po Mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagmamahal mo po sa aming mga Barangay Officials. Nawa ay pagpalain pa po kayo ng ating Dios ng mabuting kalusugan at puspusin pa po kayo ng mga biyaya
Sa pagdiriwang po natin ng Kapaskuhan, huwag po nating kakalimutan na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols upang maging ligtas po tayo sa banta ng COVID-19.
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon Kababalyan

[ngg src=”galleries” ids=”259″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan