Courtesy Call of USSC Staff to Mayor Joganie Rarang for 2nd Tranche of SAP (SOCIAL AMELIORATION PROGRAM)

Nag courtesy Call po ang mga staff ng USSC sa ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang sa kanyang tanggapan ngayong araw.

Pasensya na po sa pagka delay, dahil sa ating kasalukuyang sitwasyong kinakaharap ng ating bayan, bukas na po magstart ang pay out ng 2nd tranche ng SAP (SOCIAL AMELIORATION PROGRAM) sa pamamagitan po ng mga money remittances dito po sa ating bayan, ang M. Lhuiller at Cebuana Lhuiller ang magiging Daan Para po sa pagtanggap ng ayuda. Mag uumpisa po sa 30 katao per day upang hindi po natin malabag ang mga health protocols and guidelines ngayong COVID-19 pandemic. Para po sa mga kababayan natin na nagsabing ibinulsa na po ni Mayor Jogz at ng ating MSWDO ang pondong ito, Huwag po kayong mag alala dahil hindi po nahahawakan ng ating Mayor at ng ating MSWDO ang Pera na Para sa mga recipient ng SAP. Yong mga natanggal po sa listahan ay dahil nagrevalidate po ang DSWD Regional Office at National at sila po ang nagsabi na hindi po kayo qualified. Magpasalamat na Lang po sana tayo sa ating mga TAXPAYERS, dahil sa kanila po galing ang pondo na ibinigay bilang ayuda sa panahon ng pandemyang ito. Sana po ay sumunod po tayo sa mga schedule po natin sa pagkuha ng ayuda, antayin po natin ang update ng ating MSWDO at mga Punong Barangay dahil sila po ang magbibigay ng abiso sa bawat update Para sa distribution.

Abaw a Salamat Kababalyan keep safe

We will heal as one

ADDRESS

Municipality of Anda
Province of Pangasinan
2405

0946 112 8389

have Questions?

Copyright © 2019. Municipality of Anda, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!