Skip to main content

DEPED ANDA, CONVOY OF HOPE INKS MOA

Nasaksihan po natin ngayong araw ang MOA signing sa pagitan ng Department of Education Anda at Convoy of Hope Philippines para sa Feeding Anda Batang Isla with Hope.
Ang ating kapartner sa Supplementary Feeding Program, ang COH Philippines ay patuloy na nagdadala ng pagpapala sa ating mga batang isla upang matuldukan ang malnutrisyon sa ating bayan. Isa po ito sa adbokasiya ng ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ang ating mga batang isla.
Sa pakikipagtulungan ng ating lokal na pamahalaan, kasangga ang COH Philippines at ang DepEd Anda, maisasakatuparan na natin ang zero malnutrition sa ating bayan.
Maraming salamat po sa COH Philippines, sa patuloy na pagbibigay-daan ng mga biyaya at pagpapala sa bawat batang isla na natutulungan ng ating feeding program.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa Idap tan Inum-ay
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan