Skip to main content

FLORES DE MAYO 2022 IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE MACALEENG MISSION PARISH

Sa pagdiriwang ng Flores de Mayo sa IFI Macaleeng Parish Mission ngayong araw, na pinangunahan ni Father Fernando Ellano Jr., magiliw na naghatid ng kanyang mensahe ang ating pinakamamahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang sa ating mga kapanalig sa simbahan, upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa ating Diyos na patuloy na umaantabay at nagbibigay ng mga biyaya sa bawat isa sa atin. Naroon din sa okasyon ang ating Sangguniang Bayan Member, Hon. Marvin Charles Caranay bilang panauhing pandangal na nagpasinaya sa programang ginanap sa simbahan bilang parte ng selebrasyon ng Flores de Mayo ngayong taon.
Tunay nga na ang Anda ay bayan na pinagpala, mapapatunayan po natin ang Kanyang dakilang pagmamahal sa bawat araw na tayo ay Kanyang iniingatan at binibendisyonan ng mga pagpapala.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
[ngg src=”galleries” ids=”517″ display=”basic_thumbnail”]
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan