Skip to main content

Gov. Espino Pinasalamatan ang mga Health Workers sa 10th Annual Health Summit

Ang 10th Annual Health Summit at 2019 LGU Scorecard Awarding Ceremony na pinangunahan ni Governor Amado I. Espino III ay sabay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa tatlong lugar: Pangasinan Training and Development Center II (PTDC II) sa Lingayen, Balikbayan Hall sa Urdaneta City, at Rustic Crown Hotel sa Alaminos City ngayong araw, Disyembre 10.Layon nito na magbigay pugay sa mga health workers mula sa iba’t-ibang local government units at mga public hospitals ng probinsya para sa kanilang walang humpay na sakripisyo at suporta sa mga proyektong medikal ng pamahalaang panlalawigan.
Nagpasalamat si Gov. Espino sa mga health workers sa walang sawang pag-aalaga sa mga kababayan ng probinsya lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Salamat po sa inyong sakripisyo. Kasama nyo po lahat kami dito sa provincial government upang alagaan po ang bawat mamamayan ng probinsya ng Pangasinan,” sabi ni Gov. Espino.
Kabilang sa mga parangal ang top performing LGU in public health program implementation CY 2019 kung saan nakuha ng Municipality of Rosales ang unang pwesto, habang pangalawa naman ang Municipality of San Nicolas, at pangatlo ang Municipality of Alcala.
Nakuha naman ng mga sumusunod ang top performing Inter-Local Health Zone (ILHZ) in Public Health Program Implementation for CY 2019: Bayambang District Hospital Interlocal Health Zone (1st), Eastern Pangasinan District Hospital Interlocal Health Zone (2nd), at Western Pangasinan District Hospital Interlocal Health Zone (3rd).
Tinanghal bilang 2019 Most Improved Inter-Local Health Zone in Public Health Program Implementation ang Bayambang District Hospital Interlocal Health Zone.
Sa kategorya ng Top Performing LGU on different Health Programs, ang mga sumusunod ang nagwagi: Municipality of Anda (Rabies Prevention and Control Program), Municipality of Rosales (Environmental Health and Sanitation Program), Municipality of Dasol (Family Planning Program), Municipality of Mabini (Child Health Program), Municipality of San Fabian (Blood Program), Municipality of Santo Tomas (TB Control Program), and Municipality of Burgos (Nutrition Program).
Para sa top performing LGU per Inter-local Health Zone, pinarangalan ang:
Pangasinan Provincial Hospital ILHZ – Calasiao (1st) at Malasiqui (2nd)
Lingayen District Hospital ILH – Bugallon (1st) at Urbiztondo (2nd)
Bayambang District Hospital – Alcala (1st) at Bayambang (2nd)
Western Pangasinan District Hospital – Anda (1st) at Sual (2nd)
Eastern Pangasinan District Hospital – Rosales (1st) at San Nicolas (2nd)
Urdaneta District Hospital – Urdaneta City (1st) at Villasis (2nd).
Nanguna sa programa si Gov. Espino kasama sina Board Member Jeremy Agerico B. Rosario, Provincial Health Officer Anna Ma. Teresa S. De Guzman, Provincial Administrator Nimrod S. Camba, Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil, at PDOHO-Team Leader Ivy Ico-Palma.
Dumalo naman si Board Member Margielou Orange Humilde-Verzosa sa Alaminos City, at kasama ni Board Member Rosary Gracia Perez-Tababa si Board Member Salvador S. Perez, Jr., para sa awarding ceremony sa Urdaneta City.
Isinagawa sa tatlong lugar ang Health Summit para makaiwas sa malaking pagtitipon.
/Diane A. Tinambacan (Photos by Jin Perez, Meinard Sadim & Bob Sison)

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan