Skip to main content

HAPPY NEW YEAR KABABALYAN

Salubungin natin ang Bagong Taon na may pagpapasalamat sa ating Dakilang Panginoon na Syang patuloy na nagbibigay ng pagpapala sa bawat isa sa atin. Hindi man po naging madali ang taong 2020 sa atin, ipagpasalamat pa din po natin ang lahat ng pag-iingat at pagmamahal na ibinigay Niya sa atin.Pasasalamat para sa lahat ng mga taong laging nakasuporta sa bawat programa at adhikain ng administrasyong ito, Sangguniang Bayan ng Anda sa pangunguna ng ating Acting Vice Mayor Erwin Catabay, Department Heads, DILG, PNP, BFP, PNP Maritime, DepEd Family at bawat empleyadong nagtatrabaho para maibigay ang serbisyong pampubliko, at sa bawat Andanians na nagsakripisyo para maging ligtas ang bawat isa sa banta ng COVID-19.
Sa pagsasarado ng taong 2020, magbubukas ang panibagong yugto ng ating mga buhay sa 2021, sama-sama natin itong harapin na may bagong pag-asa, kapayapaan, katatagan, at pagmamahalan.
Maligayang Bagong Taon mga Kababalyan!
Pasasalamat mula sa ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan