Skip to main content

Idinaos po ang KATARUNGANG PAMBARANGAY – LUPON TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARD YEAR END EVALUATION, CY 2020

Idinaos po ang KATARUNGANG PAMBARANGAY – LUPON TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARD YEAR END EVALUATION, CY 2020 noong ika 15 ng Disyembre, 2020. Dinaluhan po ito ng mga Punong Barangay sa pangunguna po ng ating Liga President Leopoldo Carolino Jr., mga Barangay Secretaries at Barangay Treasurers.Ang KATARUNGANG PAMBARANGAY LTIA year end evaluation ay pinangunahan ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang kasama ang pinakamasipag na MLGOO mam Hope Ordono at ang ating kagalang galang na Hukom sa Municipal Trial Court, Judge Marlon Ramos, kasama ang PNP Anda.

Napaliwanagan po ang ating mga opisyales sa mga isyung pang katarungan na ibinahagi ng ating Hukom, at binigyang linaw din po ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang ang kumakalat na FAKE NEWS patungkol sa lockdown umano ng Anda. Pinapayuhan po ang lahat na hangga’t wala pong opisyal na pahayag mula sa Local IATF na ipopost dito sa Anda Page By Joganie Batangislajogz Rarang Public Servant, wala pong katotohanan ang balitang kumakalat.
Sana po ay maging kalmado po tayo, sumunod po lagi sa mga minimum health standards at lagi po tayong manalangin na sana ay matapos na po itong pandemyang ito.
Maraming Salamat po at mabuhay ang mga tagapamayapa sa ating mga Barangay

[ngg src=”galleries” ids=”237″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan