Skip to main content

INAUGURATION OF NEW ANDA EVACUATION CENTER

Inauguration and Ribbon Cutting Ceremony of the newly erected Evacuation Center of the Municipality of Anda
Ngayong araw ay pinasinayaan ang bagong evacuation center ng ating bayan, na narequest ng ating Mayor Joganie Batangislajogz Rarang at Engr. Leoneil Caalim sa Department of Public Works and Highways. Ito pong request na ito ay sinuportahan ng ating mga Sangguniang Bayan Members at Vice Mayor Erwin Catabay.
Sa mensahe ng ating mahal na Mayor, pinasalamatan nya ang mga taong nagtrabaho upang maging ganap ang isang panaginip para sa ating bayan, ang magkaroon ng maayos na Evacuation Center, na syang magiging silungan ng ating mga kababayan sa panahong hindi natin inaasahan ang sakuna. Ngunit hiling ng ating Mayor na sana ay huwag nating magamit ito sa ganoong mga pagkakataon, bagkus ay maginglugar ito ng pagdarausan ng kasiyahan at huwag ng trahedya.
Pinasalamatan ng ating Mayor ang mga opisyales na dumalo sa ating pagpapasinaya ngayong araw:
Regional Director Agnes De Leon, OIC RD DILG
Arct. Julius Gaceta ng Department of Public Works and Highways
Sir Freddie Evangelists, Office of the Civil Defense Region 1
Mr. Nicanor Taron, Parole and Probation Officer
Vice Mayor Erwin Catabay
Sangguniang Bayan Members
PMaj. Oliver Baniqued
LIga ng mga Barangay
Anda PNP
BFP ANDA
ALL municipal employees
Maraming salamat po sa pagtupad ng isang pangarap para sa mga taga Anda
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan