Skip to main content

Juana ng Anda, Umarangkada sa Marilag 2022 ng OWWA


Bilang pagkikilala sa mga babaeng OFWs na nagpapakita ng natatanging kakayahan bilang Frontliner, Leader at Entrepreneur, taunang dinadaos ng OWWA ang Marilag Awards na sinimulan noong 2019 bilang pakikibahagi sa National Women’s Month Celebration. At para sa taong ito, umarangkada ang isa sa mga “Juana” ng ating bayan na si Kgd. Annelyn C. Caalim ng Brgy. Tondol, dating OFW ng bansang Saudi Arabia. Sa ginawang nominasyon na sinumite sa OWWA Regional Office ng ating Migrant Desk Officer Danae F. Cervera at sa tulong at suporta ni Mayor Joganie Cardona Rarang, nasungkit ni Kgd. Annelyn ang tatlong parangal kabilang ang #WomenEntrepreneur #WomenFrontliner at ang Marilag Award 2022 Regional Winner.
Itatayo ni Kgd. Caalim ang bandera ng Kababaihan ng boung Region 1 sa National Level ng Marilag Awards na gaganapin sa PICC sa March 29, 2022!
Congratulations!!!
#WomenFrontliner
#WomenEntrepreneur
#BatangIsla
#ArangkadaAnda

[ngg src=”galleries” ids=”467″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan