Skip to main content

“Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino”

Ang Bayan ng Anda ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong ika-9 ng Abril 2022 na may temang “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino”. Ating alalahanin ang hindi matatawarang sakripisyo ng ating mga bayaning mandirigma, sa panahon ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig ang isa sa mga pundasyon ng ating kalayaan laban sa pananakop ng Imperyong Hapones. Ang kanilang pagsisikap ang naging susi upang makabawi ng lakas ang ating mga kakampi na nagbigay daan sa ating pagwagi. Tunay nilang isinapuso ang liriko ng ating pambansang awit: “Ang mamatay ng dahil sayo.” Hindi lang para sa kanilang sarili, kundi pati bawat Pilipino at mga susunod na henerasyon, para sa malayang kinabukasan ng bansang Pilipinas.
Trivia: Unang tinawag na “Bataan Day” ang araw na ito upang magbigay pugay sa mga tagapagtanggol sa Bataan, Corregidor, at Bessang hanggang sa pag-deklara ang “Araw ng Kagitingan” (Day of Valor) bilang bago nitong pangalan mula 1987.
Mensahe mula kay
Mayor Joganie “Batangislajogz” C. Rarang
Lingkod Bayan
#ANDAPangasinan
#ArangkadaANDA
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan