Skip to main content

KALAYAAN 2022 PAGSUONG SA HAMON NG PANIBAGONG BUKAS

Para sa pagdiriwang ng ika-124 taon ng kasarinlan ng Pilipinas, ang Bayan ng Anda,sa liderato ng butihing Mayor Joganie Batangislajogz Rarang kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan ng Anda, mga panauhin mula sa Hundred Island Masonic Lodge 201, mga ulo ng bawat departamento, mga kawani ng gobyerno at mga manggagawa sa munisipyo, ay matagumpay na ipinagdiwang ang araw ng kalayaan. Nagkaroon ng maikling palatuntunan at pagpupugay sa watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ng mga bayani at sa monumento ng ating pambansang bayani, Gat Jose Rizal.
Ang tema para sa taong ito ay hamon para sa bawat isang Pilipino upang makabangon sa nagdaang pandemya, ay suungin ang lahat ng pagsubok sa buhay na darating at dadanasin natin sa pakikibaka sa ating pang araw araw na buhay.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”535″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan