LAKASPINAS sa Barangay Siapar

Ngayong araw, inilunsad ang LAKASPINAS sa Barangay Siapar. Ito ay ang bagong programa ng Department of Health para hikayatin ang ating mga kababayan na magpa booster shot sa Covid-19 vaccine. Bilang pagpapakita ng suporta, nanguna po ang ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang sa pagpapa booster vaccine kanina kasama ang ating mga kasangga sa kalusugan, ang RHU-ANDA na pinangungunahan ng ating Municipal Health Officer, Dr. Gillen Vuelta.
Dinaluhan na din ng ating makisig na Batangisla ang Brigada Eskwela Kick off Program sa kanyang mahal na Siapar Integrated School.
Isang napaka produktibong araw ito para sa ating mahal na Mayor, kahit umulan o umaraw, patuloy ang kanyang paglilingkod sa ating Bayan.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla

ADDRESS

Municipality of Anda
Province of Pangasinan
2405

0946 112 8389

have Questions?

Copyright © 2019. Municipality of Anda, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan