Skip to main content

LDRRMC gawad kalasag fully compliant 2021

Para ito sa iyo aming mahal na Bayan ng Anda

Sa ating Panginoon ang papuri at pasasalamat!

Ang buong Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Anda, Pangasinan sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamumuno ng ating Ama ng Bayan, Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, sa tulong ng Sangguniang Bayan, MLGOO Ms Hope Ordono at sa pangangasiwa at pagpupursige ng ating LDRRM Officer III Engr. Leoneil C. Caalim kasama ang buong LDRRM Personnel, isa ang ating pinakakamahal na Bayan ng Anda, ang ginawaran sa buong Region 1 ng pagkilalala o parangal para sa FULLY COMPLIANT for GAWAD KALASAG SEAL. Isa itong patunay, na patuloy na umaarangkada na ang ating Bayan. Isa itong inspirasyon para mas lalo nating husayan at maging epektibo pa ang ating serbisyo publiko lalo na pagdating sa mga kahandaan o Disaster Risk Reduction and Management.

Sa bumubuo ng pamunuan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office -1 and Office of Civil Defense-1 na pinamumunuan ng ating Regional Director Eugene Cabrera, maraming maraming salamat po sa PARANGAL o PAGKILALA na ito para sa aming mahal na BAYAN ng ANDA, asahan po ninyo na ipagpapatuloy po namin ng mas epektibo at mahusay ang aming tungkulin. It inspires us to do beyond ❤️, God bless you all,Thank you so much.

#ArangkadaANDA
#BatangIsla

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan