Skip to main content

LDRRMO ay nagsagawa at nagturo ng Basic First Aid and Life Support at Brgy. Ambulance protocols

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Anda, Pangasinan sa pamumuno ng ating Ama ng Bayan Mayor Joganie Batangislajogz Rarang sa pamamagitan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa at nagturo ng Basic First Aid and Life Support at Brgy. Ambulance protocols ang mga trained first aider at CPR Provider na LDRRM Personnel sa Brgy. Tondol, Brgy. Imbo, Brgy. Macaleeng at Brgy Awag.

Ibinahagi ng LDRRM Personnel ang kanilang mga natutunan at kaalaman sa pagbibigay ng agarang pang-unang lunas sa ating mga BHWs, CVOs, at Brgy Ambulance Driver. Ito ay paghahanda para sa ganun madagdagan ang kanilang kaalaman sa pag responde at pagbibigay pang unang lunas sa panahon na ito ay kailangan, upang maging alerto at handa sa lahat ng oras.

Ito ay isasagawa sa lahat ng Barangay ng ating Bayan ng sa ganun lahat ng Barangay ay magkaroon ng mga First Aiders and Responders at matugunan agad ang mga nangangailangan ng agarang pang-unang lunas.

#AndaArangkada #ANDAlaginghANDA

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan