Skip to main content

LGU Anda rolls out two road-safety E.O.s in tandem

Nagpulong ang ating Liga ng mga Barangay sa pangunguna ng ABC President PB Leopoldo Carolino Jr., kasama ang Finance Committee, MLGOO Mam Hope Ordono, at ng ating butihing Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang upang mapag usapan ang mga kailangang ayusin sa ating bayan lalo na po ang mga aksidente at sakuna na nagaganap. Inilatag po ng ating Mahal na Mayor ang Executive Order No. 20, series of 2021, na nagpapatupad ng mandatory wearing of standard Protective helmets at Executive Order no. 21, series of 2021 na nagpapahayag ng pagbabawal sa mga alagang hayop na nakakalat sa mga kalsada ma nagiging sanhi ng aksidente.

Nakatuon din po ang pagpupulong sa pagbili ng mga Barangay Rescue Ambulance na naisip po ng ating Mayor na ibigay sa bawat barangay upang may magamit po ang ating mga Kababalyan sa mga panahon ng kagipitan, at bago po ito iaward, nais din po ng ating Mayor na may trained na driver at 2 first aider na sasampa sa sasakyan ng Barangay.
Ito po ay isang katuparan ng magandang pangarap para sa ating mga Kababayan 💙💙💙
#ArangkadaAnda
#BatangIsla
#ligangmgaBarangay

[ngg src=”galleries” ids=”343″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan