
LGU Sudipen, La Union benchmarks LGU Anda, Pangasinan
Ngayong araw na ito naganap ang Benchmarking ng ating mahal na Bayan ng Anda, Pangasinan sa pamumuno ng ating aktibo at masipag na Ama ng Bayan Hon. Joganie C. Rarang at ng Bayan ng Sudipen, La Union sa pamumuno ng kanilang butihin at magandang Alkalde Hon. Wendy Joy Boquig.
Isang karangalan na mapili ang ating Bayan para sa isang Benchmarking, ito ay upang maipakita at maibahagi ang mga best practices ng ating Bayan patungkol sa MDRRM Council at MDRRM Office na makakatulong sa kapwa natin Lokal na Pamahalaan.
Malugod at masayang winelcome ng ating mahal na Mayor Joganie Rarang ang lahat ng Municipal Officials at Employees ng Lokal na Pamahalaan ng Sudipen at pinangasiwaan naman ni Engr. Leoneil C. Caalim ang Benchmarking na naganap tulad ng DRR documents review, sites visitation sa ating LDRRM Office at Evacuation Center, at pagbabahagi ng ating mga good practices patungkol sa DRRM at kung paano nakamit ng ating Lokal na Pamahalaan ang GAWAD KALASAG- BEYOND COMPLIANT, dahil dito naging masaya at makabuluhan ang naganap na benchmarking.
Ito ay patunay na ang kahandaan at kaligtasan ng ating Bayan at ng bawat isa ay ang prayoridad ng ating kasalukuyang administrasyon.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa idap tan inum-ay