Skip to main content

Local IATF Emergency Meeting

Nagsagawa po ng pagpupulong ang ating Local IATF para po sa mga kailangang gawin upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng Anda laban sa banta ng COVID-19.Nais po sana naming ipaalala muli sa bawat isa na tayo po ay mas lalong mag-iingat upang hindi po tayo maapektuhan ng virus na ito. Lagi po tayong sumunod sa mga standard health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon, paggamit ng alcohol o hand sanitizer, at pagsunod sa social distancing.
Mas madali pong labanan ang virus kung tayo ay mag-iingat, kaya’t kung hindi naman po sana importante ang lakad ninyo ay huwag na po muna tayong lumabas ng bahay.
Keep safe Kababalyan

[ngg src=”galleries” ids=”286″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan