Skip to main content

MUNICIPAL FAMILY DAY CELEBRATION 2023

Ang Bayan ng Anda sa pamumuno ni Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ay nakikiisa sa selebrasyon ng Family Day 2023.
Tayo po ay pinagpala dahil nakasama natin ang Chief of Staff ni Secretary Abalos na si Pastor Jimmy Isidro, sya ding head ng Mandaluyong Information Office.
Kasama din ang ating mahal na Vice Mayor Erwin Catabay, Sangguniang Bayan Members at ang ating mga participants mula sa iba’t ibang sangay ng ating lipunan sa nagawang selebrasyon.
Ang Pamilyang Pilipino ay kilala sa natatanging katangian nito, ang pagkakaroon ng bigkis na hindi basta basta napuputol, sapagkat naniniwala tayong ang bawat pamilya ay masayang nagsasama-sama sa hirap man o ginhawa.
“PAMILYANG PILIPINO, PAGTUGON SA NABABAGONG PANANAW AT PANAHON.”
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa Idap tan Inum-ay

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan