
MUNICIPAL TOURISM COUNCIL Q1 MEETING FOR SUMMER HOLIDAYS 2023
Nagpatawag po ng urgent meeting ang ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang sa ating Tourism Council upang ma-address ang mga kailangang isaayos sa ating ipinagmamalaking Tondol White Sand Beach ngayong Semana Santa upang mapaghandaan ang dagssa ng ating mga turista ngayong panahon ng kwaresma. Nakipag-ugnayan na po ang ating lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensya na ating magiging kaagapay sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating tourists spots. Naging makabuluhan at maayos ang naging pag-uusap at lubos na nagpapasalamat ang ating batang lider dahil sa magiliw na pakikipagkooperasyon ng lahat ng ating mga heads para sa maayos na summer vacation.
Happy long weekend mga Kababalyan at maging mapayapa po sana ang ating pagbabakasyon.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa Idap tan Inum-ay