Skip to main content

Nabigyan pong muli ng Supplementary Feeding Goods ang dalawang pilot barangays(Imbo & Batiarao) ng mga Mana Packs, Now for kids, Soup mix, potato mix, ribbon pasta, at dried split green peas.

Sa pangalawang pagkakataon, nabigyan pong muli ng Supplementary Feeding Goods ang dalawang pilot barangays(Imbo & Batiarao) ng mga Mana Packs, Now for kids, Soup mix, potato mix, ribbon pasta, at dried split green peas. Maraming Salamat po sa Convoy of Hope, sa Kapatid ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang sa MASON, Pastor Jun Tigas, dahil po sa pagdala ng mga pagkain para sa mga malnourished na mga bata sa dalawang barangay. Ito po ang isa sa mga adbokasiya ng ating butihing Mayor, ang magpa feeding program upang maeliminate ang malnutrition dito po sa ating Bayan.
Dahil po naging matagumpay ang paglulunsad ng Supplementary Feeding programs sa dalawang pilot barangays, layunin po ng Convoy of Hope at ng ating butihing Mayor na mabigyan ang lahat ng paaralang elementarya sa buong Bayan ng Anda. Napakarami pa pong mga posibilidad na maging proyekto ng organisasyong ito para sa Bayan po natin, gaya po ng women empowerment, livelihood programs at spiritual support para po sa ating mga Kababalyan.
Nais po namin ipaabot ang pasasalamat sa ating PSDS Dr. Edwin Ampler, mga punong guro sa elementarya, Liga President Leopoldo Carolino Jr at mga Punong Barangay,sir Jowey Celzo, MSWDO, gayundin po kay Pastor Gilmore Catap, sa inyo pong walang sawang pagsuporta sa ating mga programa para sa ikabubuti ng ating bayan.

[ngg src=”galleries” ids=”317″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan