Skip to main content

Nagcourtesy call sa ating mahal na Mayor at Sangguniang Bayan Members si Engr. Gloria Manilit


Nagcourtesy call sa ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang at Sangguniang Bayan Members si Engr. Gloria Manilit mula sa DPWH Central Office,Engr. Josmon Goze at Engr. Jeynard Catabay mula sa DPWH District Office ngayong araw upang ipaalam ang isasagawang feasibility study sa araw ng Hwebes upang makaipon ng mga data para sa request ng ating Punong Bayan na tulay na siyang magdudugtong sa ating bayan papunta sa Lungsod ng Alaminos. Magsasagawa po ang mga personnel mula sa DPWH Central Office ng interview at magbibilang ng mga sasakyan na dumadaan papuntang Bolinao at Anda upang mapag-aralan nilang mabuti kung nararapat po bang maipatayo ang isang tulay na magbibigay kaginhawaan sa ating mga motorista kaya’t asahan po natin ang pagkakaroon ng kaunting traffic sa araw ng Hwebes. Noong 2019 nagsulat po ang ating Mayor Jogz sa DPWH upang iparating ang kahilingan na magkaroon ng tulay na magsisilbing daanan ng komersyo at produktong lokal patungo sa mas malaking kalakalan. Ito din ang magpapabilis ng transportasyon patungo sa lungsod at mga karatig bayan.
Ipanalangin po natin na maging matagumpay ang isasagawang pag-aaral upang ang dating pangarap at panaginip ay maisasakatuparan po natin.
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan