Skip to main content

Naging matagumpay ang kaunaunahang TESDA-PSAT Scholarship Closing Program na pinangunahan ni Mayor Joganie C. Rarang

Naging matagumpay ang kaunaunahang TESDA-PSAT Scholarship Closing Program na pinangunahan ni Mayor Joganie C. Rarang kasama sina Mr. Romeo Pandio, Provincial Supervisor ng TESDA at ang kanyang team, PESO Anda at 61 graduates ng Automotive Servicing NC I, Bread and Pastry Production NC II at Agriculture Organic Production NC II.
Maalalang noong February 2021, nilatag ni Mayor Rarang ang isang layunin para sa kanyang bayan, ang magkaroon ng libreng Skills Training. Bunsod nito, lumapit ang Anda LGU na kinatawan ni Ms. Danae F. Cervera, PESO Manager at Mun. Coun. Charles Caranay sa pamunuan ng TESDA Provincial Office. At nagbunga ito ng katuparan sa nasabing layunin na siya namang sinuportahan ng Committee on Education na si Mun. Councilor Christian Cacho. Bagamat hindi nakadalo ang ibang Sangguniang Bayan members kasama sina Liga President PB Leopoldo Carolino Jr at Former Councilor Reymon Rarang, pinaabot nila ang kanilang mainit na pagbati sa mga graduates. Sa kasalukuyan, naghahanda na ang TESDA-PSAT at PESO Anda para sa next batch. 💙
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan