
Naitala po ang Isa na namang Active Case ng COVID-19 sa ating bayan ngayong araw.
Para po sa kaalaman ng lahat
Naitala po ang isa na namang active case ng COVID-19 sa ating bayan ngayong araw. Sya po si Patient #09, mayroon po syang sakit at pabalik balik po sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay nagpositibo po sya ulit.Sa kasalukuyan sya po ay naka strict home quarantine at ililipat po sa ating quarantine facility.
Patuloy po tayong mag-iingat dahil nandyan pa din po ang banta ng COVID-19 virus, sumunod po tayo sa standard health protocols at manatili po tayo sa ating mga tahanan kung wala naman po tayong importanteng gagawin sa labas.
Keep safe Kababalyan