Skip to main content

New Covid-19 Cases Update in the Municipality of Anda as of May 16, 2023

Ikinalulungkot po naming ipaalam na may isa (1) na Kababalyan po tayong nagpositibo sa sakit na COVID-19 base sa resulta ng swab/RT PCR.
 
Sa kasalukuyan, sila po ay naka-isolate na at isinagawa po ang contact tracing.
 
Ang Lokal na Pamahalaan ng Anda sa pangunguna ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ay nananawagan na tayo pong lahat ay mag-ingat, sapagkat napakahirap pong lumaban sa hindi nakikitang kalaban.
 
Manatili po tayong kalmado at pag-ibayuhin ang pag-iingat upang tayo ay makaiwas sa pagkakaroon ng sakit na COVID-19. Sumunod po tayo sa recommended standard health protocols, 1.5 meter social distancing, pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol o hand sanitizer, pagpapalakas ng resistensya at katawan, pagkain ng masustansyang pagkain, at higit sa lahat, manalangin po tayo sa ating Panginoon na sana ay iligtas at protektahan po Niya tayo sa pandemyang dinaranas po natin ngayon.
 
Keep safe, Kababalyan!
 
#ArangkadaAnda
#AndaPangasinan
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan