Skip to main content

Ngayong araw ay isinelebra ang LGU FAMILY DAY na may temang “PAMILYA NG LGU-ANDA, MATATAG LABAN SA PANDEMYA, NANGUNGUNA


Sa mensahe ng ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, nagpasalamat po siya sa lahat ng empleyado ng ating Lokal na Pamahalaan simula sa mga job orders, rank and file, at mga department heads dahil sa kanilang pagtulong sa laban para sa Covid-19.Patuloy pa din po ang pagpapaalala ng ating Mayor Jogz na pag ibayuhin pa din po ang pag-iingat upang hindi po tayo magjng biktima ng sakit na ito.
Kasabay ng naging selebrasyon ay ang pagkilala sa mga empleyado na ilang taon na pong nanunungkulan sa ating ahensya, sila po ay pinarangalan at nakatanggap ng plake at sertipiko bilang pagkilala sa kanilang natatangi ng panunungkulan at dedikasyon sa kanilang trabaho.
Nagkaroon din po ng Family Forum para sa Physical Health na pinangunahan ng ating MHO, Dr. Gillen Vuelta, Mental-Emotional Health, mula kay Sir Jowey Celzo, at para sa Spiritual Health na pinangunahan ni Pastor Victor Magno.
Maraming Salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta, sa mga programa ng ating pamahalaan laban sa COVID-19.
Mag-iingat po tayong lagi💙💙💙
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”360″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan