
NLEX TOLL PLAZA SIGNS
Narito ang mga bagong toll plaza signage upang maging gabay sa inyong paglalakbay.
Para sa mga existing RFID subscriber, maglaan ng sapat na distansya sa sasakyan sa inyong unahan upang maiwasan ang anumang abala. Sa mga motoristang magpapakabit pa lamang ng RFID sa toll plaza entry, paki-check po ang link na ito para sa installation lanes sa toll plaza entries: https://www.facebook.com/NLEXexpressways/photos/10157427214871644/
Para sa mga motoristang kinakailang magpaload, bukod po sa ating mga Reload booth sa toll plaza, maaari rin po kayong magpaload sa Easytrip kiosks gasoline stations (Petron Marilao, Shell Burol, Petron Lakeshore, Petron Bocaue, at NLEX Drive and Dine).
Salamat po.