Skip to main content

Pagbubukas ng Daan upang Magkaroon ng Access ang ating mga Kababalyan sa mga Essential Goods

Dinalaw po ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang kasama ang ating Municipal Engineer Elmo Carino ang isang lugar sa barangay Sablig, kasama sina PB Jonathan Cervera at kanyang buong konseho upang mainspeksyon ang bubuksang barangay road. Natalakay po ang mga kailangang gawin sa pagbubukas ng daan upang magkaroon ng access ang ating mga Kababalyan sa mga essential goods lalo na po sa darating na tag-ulan upang hindi na po sila mahirapan.
Maraming Salamat po sa pamilya nina Ginoong Conrado Cardaño sa masarap na meryenda at sa magandang venue.

[ngg src=”galleries” ids=”289″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″] 

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan