Skip to main content

Pagpupulong ng lahat ng mga Punong Bayan sa lalawigan ng Pangasinan

Ngayong araw, nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng mga Punong Bayan sa lalawigan ng Pangasinan na dinaluhan ng ating minamahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang. Pinangunahan ng ating ama ng lalawigan ng Pangasinan, Gov. Ramon Guico III ang nasabing pagpupulong kasama ang ating Bise Gobernador Mark Ronald Lambino, at naroon din ang ating mahal na Congressman Arthur Celeste. Naging makabuluhan ang pagpupulong na ito upang maiplano ang mga magagandang proyekto sa ating lalawigan, ganundin naman ang magandang pagsasamahan ng bawat lingkod bayan sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Mabuhay ang Aguila ng Pangasinan!
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
 
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan