Skip to main content

Pamamahagi ng Toilet Bowls

Naipamahagi na ng LGU-ANDA sa lahat ng Punong Barangay sa pangunguna ng ating Liga President Leopoldo Carolino Jr, ang mga toilet bowls. Ito po ay parte ng pagsuporta ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang sa programang Zero Open Defecation dito po sa Bayan ng Anda.Layunin pong mabigyan ang bawat sambayanan ng toilet bowl sa buong Anda upang maiwasan po ang pagdumi sa kung saan saan na maaaring magdulot ng sakit sa ating pamayanan.
Maraming Salamat po sa lahat ng mga Punong Barangay, SB members Christian Cacho, Lilybeth Kiongson, Ester Carpo sa pangunguna ng ating Acting Vice Mayor Erwin Catabay, mga Department Heads at ang buong Lokal na Pamahalaan ng Anda sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan para sa ating bayan.

[ngg src=”galleries” ids=”300″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″] 

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan