Skip to main content

PISTA NG ITIM NA NAZARENO, January 9, 2021, @ Marempey Iglesia Filipina Independiente.

Maraming Salamat po dahil nakasama po ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang ang ating mga Kababalyan sa sitio Marempey Brgy. Carot, at ng ating dalawang masigasig at matipunong SB Members, Konsehal Christian Cacho at Konsehal Marvin Charles Caranay, sa pamunuan ni PB Clipton Francisco at kanyang Sangguniang Barangay. “HUWAG KAYONG MATAKOT, SI HESUS ITO!”
Ito ang tema ng pista ng Itim na Nazareno ngayong taong 2021. Tamang-tama ito ngayon sa panahon ng pandemya. Sakdal ng takot hindi lang ang mga Pilipino, kundi ang buong mundo. Hindi biro ang idinulot ng salot na ito; maraming nagkasakit, namatay, nawalan ng trabaho, bumagsak na negosyo, natigil at isinantabing mga pagdiriwang. Halos tumigil ang pag-inog ng mundo. Marami ang nag-isip, nagulantang, hindi makapaniwala, natakot. Sa isang iglap, maaaring magbago ang takbo ng buhay, maaaring tumigil ang buhay. Nakakatakot talaga.
Maraming sinusuong na hamon at pagsubok ang bawat tao. Subalit hindi sila dapat mag-alala dahil laging kasama nila si Hesus. Wala silang dapat ikatakot dahil nakasandal sila sa Panginoon at hawak sila ng Kanyang mga kamay. Kung kasama mo ang Panginoon, kanino ka matatakot?
Sampung buwan na tayong nasa lockdown. May mga sumuko na at nawalan na ng pananampalataya. Itinuturing nila itong pagsubok sa Diyos sa halip na pagsubok ng Diyos. Para sa kanila ay; bigo ang Diyos, mahina ang Diyos, mabagal ang Diyos, o kaya ay nakalimutan na tayo ng Diyos. Sana ay mapagtanto nila na hindi pa tapos ang laban. May tugon ang Diyos sa tamang panahon. Hamon ito sa ating pananampalataya.

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan