Skip to main content

Planning and Budgeting

Umarangkada ang ating mga Sangguniang Kabataan Federation sa kanilang Planning and Budgeting kasama ang ating napakasipag na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang at ang ating supportive na MLGOO Mam Hope Ordoño, mga department heads, at iba pang mga opisyal upang maisagawa ang preparasyon ng kanilang pondo sa taong 2022.
Sa pangunguna ng ating SK Federation President, Hon. Ronald Avelino Jr, kasama ang mga SK Chairpersons sa buong bayan ng Anda, matagumpay na naisagawa ang budget preparation ng ating mga Sangguniang Kabataan.
Nagpasalamat ang ating Mayor Jogz sa mga aktibo at masigasig na mga SK officials na nagpakita ng kanilang mga dedikasyon lalo na sa pagtulong ngayong panahon ng pandemya.
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”385″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan