Skip to main content

Professional Regulation Commission (PRC) Mobile Service


Ngayong araw, ang bayan ng Anda ay napakapalad dahil napagbigyan po ang request ng ating Mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang upang ganapin ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang Mobile Service upang matulungan ang ating mga kababayan na makapag process ng kanilang PRC licenses at ganun din naman po sa mga magrerenew ng kanilang lisensiya.
Nais pong pasalamatan ng ating mahal na Mayor Rarang ang pamunuan ng Asbury college Incorporated na pinamumunuan ni Rev. Marsha Gael Alexander, dahil sa kanilang pagpayag na sa Asbury Campus gaganapin ang naturang gawain.
Sa mga nais pa pong magprocess ng kanilang PRC license, maaring magtungo po kayo ngayong araw sa Asbury College, sila po ay malugod na aagapay sa inyo upang matugunan ang inyong application.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”526″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan