Skip to main content

PWD Team Building

Naganap po sa ating bayan ang team building ng ating mga Persons with disabilities kahapon, ika-14 ng Disyembre, 2020 na idinaos sa Municipal Gymnasium kasama po ang ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona RarangAng nasabing gawain ay naglalayon na mas mapagtibay ang samahan ng mga PWD sa ating bayan, mabigyan sila ng tamang kaalaman kung paano sila mas matutulungan ng ating Lokal na Pamahalaan ng Anda sa kabila ng pandemya na dinadanas natin ngayon. Layunin din po ng programang ito na mas ipadama sa ating mga kababayan na may espesyal na pangangailangan na sila ay mahalaga sa ating lipunan at may espesyal na katungkulan bilang isang mamamayan.

Maraming Salamat po sa ating MSWDO Sir Jowey Celzo, kasama po ang buong staff ng DSWD Anda sa inyo pong walang sawang paggabay sa ating mga Kababalyan na may kapansanan. Mabuhay po kayo!

[ngg src=”galleries” ids=”233″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan