
SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE NATIONAL VALIDATION
Matagumpay na naisagawa ang 2023 SGLG National Validation sa Bayan ng Anda, Pangasinan. Ang ating bayan ay isa sa mga matagumpay na nakabilang sa National Validation.
Mainit ang ginawang pagtanggap ng ating Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Anda sa pangunguna ng ating napakasipag na Mayor Joganie “Batangislajogz” C. Rarang kasama ang ating MLGOO Rhealiza Delos Santos at mga Departments Heads.
Taos-pusong pasasalamat sa ating Department of the Interior and Local Government (DILG) Validators na bumisita upang magsagawa ng validation sa pangunguna nina LGOO VI Marlon Clyde S. Camilon at LGOO VII Hermogenes L. Soriano Jr.
Ang lahat ng mga tanggapan ng ating Lokal na Pamahalaan ng Anda ay matagumpay na naipakita ang mga kinakailangang dokumento, lahat ng mga katanungan sa panayam ay sapat na natugunan, at ang field inspection na isinagawa ng ating mga validator ay natapos nang kasiya-siya.
Nais ko na pong pasalamatan ang lahat ng ating mga Department Heads, mga kawani ng gobyerno at mga Liga Ng mga Barangay para sa kanilang dedikasyon at sakripisyo para laging patuloy na makapagbigay ng serbisyo publiko na tunay na progresibo at dekalidad.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa IDAP tan INUM-AY
[ngg src=”galleries” ids=”747″ display=”basic_thumbnail”]