
SGLG Regional Assessment 2023
SGLG Assessment 2023 





Matagumpay na naisagawa ang Seal of Good Local Governance Assessment, ngayong araw June 16, 2023, ng Lokal na Pamahalaan ng Anda, Pangasinan
Ang assessment ay dinaluhan ng lahat ng mga focal persons at department heads sa pangunguna ni Mayor Joganie “Batangislajogz” Rarang upang ipakita ang mga dokumento na nagpapakita sa pagimplementa ng mga mandato bilang isang lokal na pamahalaan. Sinukat din dito ang kakayahan at kahusayan ng ating lokal na pamahalaan sa iba’t ibang aspeto ng pamumuno gaya ng (1) Financial Administration and Sustainability; (2) Disaster Preparedness, (3) Social Protection and Sensitivity; (4) Health Compliance and Responsiveness; (5) Sustainable Education, (6) Business-Friendliness and Competitiveness; (7) Safety, Peace and Order; (
Environmental Management, (9) Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; at (10) Youth Development at iba pang mga practices ng administrasyon ng ating Mayor Joganie “Batangislajogz” Rarang sa nakalipas na taong 2022.

Ang lokal na pamahalaan ng Anda ay magpapatuloy na magsisipag at magtatrabaho upang makamit ang SGLG Award upang makilala ang munisipalidad na hindi lamang sa mga magagandang tourist attractions nito kundi ay isang munisipalidad na may mahusay na pamamahala.
Si Mayor Joganie “Batangislajogz” Rarang ay nagpapasalamat sa lahat ng ating mga departamento sa pangunguna ng ating mga department heads at mga kawani at sa ating aktibong MLGOO na si Ms. Rhealiza Delos Santos at sa Regional Assessment Team ( RAT) na pinamumunuan ni Bishop Rey Lazo, Ms. Charina B. Flora at Mr. Hedrich Calderon galling sa DILG La Union Provincial Office.
Maraming Salamat po! Welcome po sa Bayan ng ANDA!
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
#SGLG2023
kaaluyon sa IDAP tan INUM-AY