SIBIB GOES TO BRGY. DOLAOAN

SERVICIO INTERON BABALI IAGAWANG SA BARANGAY (SIBIB)
Sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, ang Lokal na Pamahalaan ng Anda ay naghatid ng serbisyo publiko sa ating mga kabarangay sa Dolaoan. Mainit ang naging pagtanggap ng ating mga kababayan sa hatid na serbisyo ng ating pamahalaan dahil tayo mismo ang naglapit at nagdala ng mga basic services sa baryo.
Nagbigay po tayo ng libreng mga gamot, konsultasyon medikal, bakuna, mga tsinelas para sa mga bata, buntis kit, pagbabayad ng RP Tax, cedula, mga serbisyo ng bawat departamento, at nagkaroon din po tayo ng open forum na nagbigay linaw sa mga katanungan ng ating mga kababayan.
Nais po naming pasalamatan ang Dolaoan Barangay council na pinapangunahan ni PB Baltazar Pajarillo kasama ang kanyang mga konseho, tanod, at BHW.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa Idap tan Inum-ay

ADDRESS

Municipality of Anda
Province of Pangasinan
2405

0946 112 8389

have Questions?

Copyright © 2019. Municipality of Anda, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan